Skip to main content

Ang Babaeng Makabago

The Author, while delivering his poem

Allow me to post a Filipino composition.

Kung sa Francia may bayaning Joan of Arc ang pangalan
na humawak sa sandata sa digmaan ay nakilaban
sa bayan ay maraming rin ang babaeng napatanghal
ay namatay na bayani dahil sa Inang Bayan

Isang Josefa Gabriela ang pinatay at binitay
ng dahil sa pagtatanggol sa bayan at kalayaan
Si Josefa ay asawa ng bayaning Diego Silang
Isang anak ng Ilocos na magiting at marangal

Isang Melchora Aquino ina ng Katipunan
Kung tawagi'y Tandang Sora ng maraming kababayan
Sa bayan ng Balintawak natitik ang kasaysayan
nang magiting na babaeng balita sa katapangan

Isang Corazon Aquino familya ng Cojuanco
Sa bansang Pilipinas unang babaeng pangulo
naglingkod ng matapat sa sambayanang Pilipino
kaya siya ng pumanaw umiyak ang buong mundo

Kagitingan ng babae sa bayan ko'y pinupuri
pagkat sila'y karangalan at hiyas ng ating lahi
bilang isang Pilipino ligaya ko't luwalhati
ang babae sa bayan ko'y maitampok na palagi

Ngunit ako'y nalulungkot at kung minsa'y nanglulumo
kapag aking nakikita ang malaking pagbabago
makabagong kabihasnan ng dumating sa bayan ko
tila dungis na bumitay sa ugaling Pilipino

Ang ugali't kahinhinan nina Selya, Maria Clara
katangiang pinupuri ng dayuhan noong una
pero ngayon sa babaeng makabago ay lipas na
katangian ay bihira nang mamasid at makita

Masdan mo ang kasuotan kahit hindi nababagay
pinipilit na isuot basta moda ay masunod lang
kahit hubog ng katawan bayong na ang kabagay
suot pa rin ay piting sakab na sakab sa katawan

Ang babaeng makabago may kaitiman ang balat
nakasuot pa rin ng backless ang likod ay nakabold
binti niyang walang korte tadtad ng peklat
nakasuot pa rin ng short seksi pa kung lumakad

Ang babaeng makabago katawan ay hubog Coca Cola
upang itoy lalong mapansin anong nipis ng bestida
kaya nga si Ka Berto ng makita siya noong una
si Beauty ay niligawan si Beauty ay hinarana

Ang babaeng makabago adik sa cellphone
madalas itong dukutin sa bulsa ng pantalon
text sa umaga text sa tanghali text hanggang sa hapon
maging sa oras ng pagkain hawak pa rin ay cellphone
kaya kung minsan ay nalilipasan siya ng gutom


Ang babaeng makabago laging suot ay mini skirt
panay hila sa damit habang sakay nitong jeep
marahil ay napapansin niyang maraming mata ang nakatitig
sa itinatago niyang mapuputi niyang legs

Ang babaeng makabago sa tahanan ay makikita
sa halip na Bible komiks ang binabasa
kaya naman ng mag-asawa at sa biyanan ay matira
first time na magsaing ito ay saksakan pa ng lata

Ang babaeng makabago sa school ay mapapansin
sa halip na pumasok ang kasama ay boyfriend
sine doon party doon kanta doon cut doon panay ang good time
resulta lumobo ang tiyan maternity ang tinungo
bagsak pa sa eksamen

-- Jessie Manuel
Copyright 2010

This literary piece was written by an 87 (?) year old in the name of Jesus Manuel. We normally call him as Ninong for he is the godfather of my father. He really excels at writing poems. Here I am posing a picture with him after he delivers the poem.

Ninong, I, and my girl

Comments

maganda ang pagkakasulat ng tula..natawa ako sa pinakahuli..ganun nga ang ilan..lalo na ngayon na uso na ang cellphone..text text lang kung saan magkikita,hehe..

Popular posts from this blog

Monte Vista Resort at Calamba, Laguna

Batis Aramin Resort and Hotel